GMA ‘wag ilipat sa ordinaryong kulungan– Erap

NANINIWALA si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na hindi na dapat ilipat si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa isang ordinaryong kulungan.

Ito ang reaksyon ng dating Pangulong Erap sa kahilingan ng Commission on Elections (Comelec) sa korte na ipiit si Ginang Arroyo sa regular na kulungan.

Inihayag ni Estrada na mahihirapan si Gng. Arroyo sa ordinaryong kulungan dahil isa itong babae.

Magugunitang nakulong din noon si Estrada matapos na mahatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong plunder.

Si Gng. Arroyo naman ay kasalukuyang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City dahil sa kasong electoral sabotage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply