Gobyerno kumikilos na laban sa oil price hike

NAKIPAG-UGNAYAN na si Transportation and Communications Secretary Mar Roxas sa mga transport sector para makahanap ng alternatibong paraan para hindi magtaas ang pasahe.

Ito ang sagot ni Sec. Mar Roxas sa mga ibinabato sa kanyang isyu patungkol sa E–Jeepney.

Mahigpit na tututulan ng transport sector ang pagbibigay ng prangkisa ng gobyerno sa mga E-jeepney na bumiyahe sa lansangan.

Ayon kay Roxas ang nasabing hakbang ay ilan lamang sa mga ginagawang pagbabago ng gobyerno para makaagapay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ipinaliwanag ni Roxas na kung hindi babaguhin ang mga makina ay hindi makakatipid ang transport group sa patuloy na pagsirit sa presyo ng krudo.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na sina Roxas sa mga transport sector para makahanap ng alternatibong paraan para hindi magtaas ang pasahe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply