Gobyerno: Tinimbang ngunit kulang

TAPOS na ang paggunita sa EDSA 1.

Tapos na ang lundagan sa EDSA ng mga umano’y bayani nito at tapos na rin ang mga talumpati sa Luneta ng nagmamahal umano sa bayan.

Pagkatapos nito, naiwang nakatunganga ang nakararami.

Nakatunganga dahil sa dinami-rami ng mga nagsilundagan sa EDSA  at nagsalita sa Luneta, wala pa ring nangyayari.

Heto nga’t habang tinitipa natin ito, Suki, may anunsyo na naman ang pamahalaan na magtataas ang presyo ng langis sa linggong ito.

Masipag na mag-anunsyo ang gobyerno ng oil price hike dahil sa laki ng kita nito sa ipinapatong nitong expanded value added tax sa petrolyo.

Ayon kina Kumrad George San Mateo, may oberprays na ang mga kompanyang langis, may patong pang EVAt dito.

P6 sa kada litro ng die-sel at P9 sa gasolina ang oberprays umano habang sinasabi ng Petron na P15 ang EVAT.

oOo

Hindi natin tuloy makalimutan at oras-oras nating naaalaala ang boses ng ilang mahal na obispo.

Ang totoo umano, walang pagbabago.

Napalitan lang ang mga diktador ng mga bagong hindi naman diktador ngunit kapareho lang ng mga diktador.

Kung noong araw ng diktadurya ay kinukulapulan ng mga korap ang gobyerno at sandamukal ang mga naghihirap, ganito rin umano ang nagaganap.

Por eksampol, may korap umanong iniimpits ng mga korap din.

Parami nang parami naman ang bilang ng mga nagsasabing sila’y nakararanas ng paghihirap at kagutuman.

Ito’y sa kabila ng pagdidenay dito ng mga may hawak sa poder ngayon.

In short, Suki, tinitimbang ng mga obispo si gobyerno ngunit kulang.

In short pa, hindi pala sa  impitsmen nasosolb ang problema ni Juan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply