Gov’t workers magpartisipa sa 1986 EDSA People Power celebration

IPINAG-UTOS ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. sa lahat ng government officials at empleyado ng pamahalaan na makiisa sa paggunita ng ika-26 na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Sa ipinalabas na Memorandum Circular No. 27, kinalampag din ni Ochoa ang lahat ng departamento, ahensiya at iba pang tanggapan ng gobyerno kasama na ang government-owned and controlled corporations, at local government units (LGUs), na tulungan ang organizers ng programa at iba pang aktibidades na nakatakda sa Pebrero 25, araw ng Sabado.

“We further encourage all government departments, agencies, GOCCS and LGUs to conduct their own respective events related to the 26th Anniversary of the 1986 EDSA People Power Revolution through lectures, film showing, community services, etc. and help make this year’s observance a success,” ayon kay Executive Secretary, tumatayo ring Chairman ng EDSA People Power Commission.

Ang EDSA People Power Commission (EPPC) ay mayroong serye ng aktibidades para sa taunang selebrasyon na may temang “EDSA 26: Anong Taya Mo Para Sa Pilipinas Natin?”

Ang tema ng EDSA 26 ay naglalayong tawagan ng pansin ang lahat ng mga Filipino na magpartisipa sa pagtataguyod ng bansa habang ang aktibidades ay nagbibigay diin naman sa tinatawag na “spirit of volunteerism” at Bayanihan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply