Grace Lee hindi type ni Kris Aquino para kay PNoy

KASING taas pala ng isang arko ang kilay ni Kris Aquino kapag nababanggit ng mga kaibigan niya ang pangalan ni Grace Lee, kasabay nito ay panunukso para sa kapatid niyang si President Noynoy na umano’y masugid ngayong nanliligaw sa nasambit na TV-Host at alaga ng talent manager na si Arnold V.

Sobrang pag-ayaw at pagtanggi raw talaga ni Kristeta rito kay Grace Lee para sa kanyang kapatid. Pero sa kabila nito’y may mga nag-react kay Kris na bakit hindi na lang daw n’ya hayaan kung sino ang napupusuan ng kanyang Kuya PNoy?

Mas maigi na raw na magkaroon ng lovelife ang ating Pangulo para mas lalo itong ganahan sa kanyang mga trabaho sa Malacañang at pagdedesisyon para sa ating bansa.

Kunsabagay kung babalikan natin ang mga nagdaaang karelasyon ni Tetay wala naman tayong naririnig na pinakialaman ito (Kris) ni PNoy or pinagbawalan kaya nararapat lamang siguro na itikom na lang niya ang kanyang bibig. Tutal, wala naman siyang masasabing matino ukol sa love life ng kanyang Kuya PNoy.

o0o

Male singer may dalang malas!
Isinumpa kaya ng matronic niyang manager

NAG-TEXT amin kamakailan lang ang guwapong aktor na si Jethro Ramirez. Ayon kay Jethro sa kanyang text “gud pm poe pls watch happy yeephee yehey dis coming Feb 1 to Feb 12 in the tanging hininga mo segment at ABS CBN Channel 2.”

Naalala tuloy namin ang isang male singer na isa sa mga host rito. Ang balita kasi namin magbababu (nagbabu na, kapatid last Friday pa. -Ed) na ang show na ito at ang sinasabing dahilan ay may dalang malas raw ang naturang mang-aawit dahil sa unang Variety show na parehong nasa Channel 2 din ay natigok kaagad sa ere nang maging host din ang nasabing singer.

May mga nagbiro pa na baka raw isinumpa ang naturang male-singer ng dati n’yang manager dahil sa hindi naman pala maayos ang paghihiwalay nilang dalawa.

Hay! ang kapalaran nga naman ng tao. Ang alam ko, malambing at Ilonggo ang manager na ito ng nasambit na mang-aawit. Ano kaya talaga ang dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa?

o0o

Wings of Love A Valentine Presentation back to back

SOBRANG inaabangan ngayon pa lang ang search for Valentine na magaganap sa White Bird Entertainment bar.

Siguradong mabubusog sa kanyang dinner ang mga ka-date na guest ng mga guwapong otoko roon lalo na’t ang mismong mga favorite nilang male model and dancer ang s’yang magsusubo ng pagkain para sa kanilang mga parukyano.

At pagkatapos ng dinner, maghahandog ng mga fresh flowers ang mga guwapong otoko sa White Bird para sa mga partner nila at bukod pa rito, hindi rin syempre magpapatalbog ang mga macho dancers ng White Bird dahil rarampa daw ang mga ito na walang saplot ang katawan at harapan.

Para sa mga detalye tawagan lamang or i-text si Mama Gretta W sa kanyang cellphone # 09217405735. Well, siguradong mag-e-enjoy talaga ang mga kapatid natin.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply