Grace Lee special guest sa birthday ni PNoy

ISANG misa ang nakatakdang idaos sa ika-52 kaarawan ni Pangulong Benigno Aquino III sa Miyerkules, Pebrero 8, 2012.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na iyon pa lamang ang alam niyang detalye sa kaarawan ng Chief Executive dahil hanggang ngayon aniya ay hindi pa sila nakakakuha ng advise mula sa Private Office ukol sa okasyon.

“Wala pa pong advise sa atin ang Private Office pero, ano po ito eh, Wednesday. Katulad po noong nakaraang taon, nagkaroon po ng misa para po sa kaarawan ng Pangulo. Baka po ganoon po ulit ‘yung mangyari—magkaroon ho ng misa ‘yung mga empleyado po ng Office of the President for PNoy at mangyari po lamang na working daw po ito, mukha naman pong tuloy ang pagtatrabaho ng Pangulo,” anito.

Noong nakaraang taon ay sinimulan ang kaarawan ng Pangulong Aquino sa pamamagitan ng isang misa na sinundan ng tree planting at sports development o biking sa umaga.

“Usually nakukuha po natin ang schedule ng Pangulo the night before at naibabahagi naman po natin agad sa mga miyembro ng ating press corps,” ang pangako ni Usec. Valte.

Hindi naman kinumpirma ni Usec. Valte kung si Grace Lee ang special guest ng Punong Ehekutibo sa kanyang kaarawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply