Grade 3 pupil hinihinalang ginahasa bago pinatay sa Butuan

PATULOY na sinisiyasat ng pulisya kung hinalay bago pinaslang ang isang grade 3 pupil sa Butuan City.

Nabatid na sinailalim na sa post mortem at spermatozoa examination ang bangkay upang malaman kung ito’y ginahasa matapos matagpuan ang kanyang bangkay sa Purok-2, Bayugan II, San Francisco, Agusan del Sur.

Nakilala ang biktimang si Loida Dumaneg, 11, mag-aaral ng Bayugan II Elementary School at residente ng naturang lugar.

Nadiskubre ng mga barangay tanod ang bangkay ng biktima na nasa state of decomposition na.

Una nang naiulat na missing ang biktima simula pa nitong nakalipas na Pebrero 26, matapos pag-utusan ng kanyang ate na bumili sa tindahan ni Pimo Chavez ngunit hindi na ito nakauwi pa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply