Graduation fees

TUWING sasapit ang graduation season, ang reklamo ng mga magulang ay ang bayarin sa graduation rites ng kanilang magtatapos na mga anak.

Bawal ang pangongolekta ng graduation fees, paulit-ulit na ipinahahayag ng mga namumuno ng  Department of Education.

Katunayan, ang lahat ng eskwelahan, maliban ang private schools, ay may DepEd memorandum na bawal ang graduation fees.

Napakatagal na ang problemang ito, pero, tila walang magawa ang kinauukulan para matapos na ang problemang ito ng mga magulang.

Kailangang gumamit na ng ‘kamay na bakal’ si Sec. Armin Luistro para matakot ang mga guro na patuloy na sinasaliwa ang kanyang utos dahil ang patuloy na pambabastos sa ‘No graduation fee collection’, directive ay pagpapakita ng kahinaan ng kanyang pamunuan.

‘Di lang siguro ang DepEd ang dapat kikilos para maresolba na ito kundi tumulong na rin ang mga local government unit.

Tulad ng ginagawang pagtulong ng pamahalaan ng Malabon para maputol na rin ang ganitong kalakaran sa mga eskwelahan sa lungsod.    Inamin ni Assist. Sch. Supt. Mauro de Gulan na sa kanyang distrito, binabalewala rin ng ilang guro ang ‘No graduation fee collection’ order.

Bilang tulong, nagbigay ng ayudang pinansyal si acting city Mayor Lenlen Oreta lll ng P600,000 para magamit sa darating na graduation rites.

Hangad ng pamahalaang-lungsod na makatulong sa mga eskwelahan na magsasagawa ng graduation rites sa darating na Marso.

Ito’y para na rin makatulong sa isinusulong na ‘Zero graduation fee collection’
ni De Gulan sa Malabon, alinsunod sa direktiba ng DepEd.

PAGING ATTY. FRANCIS TOLENTINO

Wala na yatang magagawang paraan para tumino ang buhol-buhol na trapiko sa Monumento at Sangandaan sa lungsod ni Mayor Recom Echiverri.

Napakarami namang “REcom’ traffic enforcers, pero ang nakikita natin, eh, parang palamuti lang sila sa mga kalsada.

Dangan kasi, kaya nagkakatraffic ay dahil sa naghambalang na mga pampasaherong jeep sa harap ng Puregold sa Monumento.

Ganundin sa Sangandaan, green light na, na ang ibig sabihin ay ‘go’ na, pero ang mga jeep ay patuloy na nakahinto sa mismong gitna pa ng kalsada.

Suko na ang maraming motorista na dumaraan sa mga lugar na iyan araw-araw. GOD bless Caloocan!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply