Granada sumabog; 2 patay, 12 sugatan sa Bukidnon

PATAY ang isang lalaki at isang 10-anyos habang 12 ang sugatan sa pagsabog ng isang grenade launcher sa Kibawe, Bukidnon.

Nabatid sa nakasaksi, bago mangyari ang insidente ay nakikipagpulong ang grupo na pinaniniwalaan na miyembero ng New People’s Army (NPA) sa mga magsasaka.

Pinaglalaruan umano ng isa sa kanila ang M-203 na granada nang bigla itong sumabog.

Patay ang may hawak ng granada at isang bata.

Sasagutin naman ng lokal na pamahalaan ang pagpapa-ospital ng mga nasugatan sa pagsabog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply