Grand lotto jackpot prize lolobo pa

INAASAHANG lolobo pa ang halos P200 milyon na jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos wala pa ring makahagip sa tamang kombinasyon sa ginawang bolahan kahapon sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Wala isa mang nakakuha sa kombinasyong 48-04-07-16-09-01 na may kabuuang jackpot prize na P197,403.868.80, kaya inaasahang lolobo pa ang premyo sa mahigit P200 milyon sa susunod na bolahan na isasagawa bukas ng gabi.

Ayon sa PCSO, ito na ang pinakamalaking premyo nila ngayong pagpasok ng taong 2012 matapos maipon ng tatlong buwan ang jackpot prize nang wala isa mang makasapol sa lumabas na kombinasyon.

Inaasahan na muling hahaba ang pila ng mga mananaya sa lotto outlet ngayon araw kaya’t nanawagan ang PCSO na maagang tumaya upang makaiwas sa mahabang pila.

Ang 6/55 Grand Lotto ay binobola tuwing araw ng Lunes, Miyerkules at Sabado.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply