Grand terminals simulan na!

LUMULUBHA ang problema ng trapiko sa mga lansangan sa Metro Manila, ngunit tila, patumpik-tumpik lang ang pamahalaan.

Sa sobrang sikip ng mga daan, apektado  ang araw-araw na  ikot ng buhay natin dahil sa nasasayang na oras sa trapiko.

Marami tayong nais gawin sa isang araw, subali’t ‘di natin naisasakatuparan dahil nauubos ang ating oras sa lansangan.

Ang gobyerno ay may  proyekto at programa ukol sa trapiko pero hanggang plano lang yata dahil ‘di naman umuusad.

Isang halimbawa ay ang planong pagtatayo ng North at South Terminals na itatayo sa Balintawak, Malabon at  Mall of Asia sa Pasay.

Kung maisasakatuparan ang dalawang proyekto na ito, baka sakali ay gaganda ang daloy ng takbo ng sasakyan sa Metro Manila.

Sa konsepto, ang mga bus at jeepney ay  dito na hihimpil. Ibig sabihin, ‘di na sila makapapasok sa kalsada ng Kamaynilaan.

Ang mga pasaherong patungo ng norte ay sa Balintawak terminal tutungo at sa south ay sa terminal na malapit sa MOA sasakay.

Sa pag-aaral ng Metro Manila Development Authority,  daang libong pampasaherong sasakyan ang pumapasok sa Metro Manila kada-araw.

Kapag nabawasan kasi ang tumatakbong sasakyan sa mga main thoroughfare, magiging maluwag ang lansangan ng metro.

Eh di siyempre, luluwag ang daloy ng trapiko. Tama ang pahayag ni MMDA chairman Atty. Francis Tolentino.

Correct, pero kahit gaano kaganda ang isang proyekto kung hanggang kuwento at plano lamang, ito’y walang dating sa mamamayan.

Dahil sa bawa’t  araw na hirap na dinaranas ng mamamayan sa dulot ng hindi mareso-resolbang problema sa trapiko ay may tama ang pamahalaan.

At  ang  numero unong tinatamaan ay walang iba kundi ang pinagkatiwalaang maluklok sa puwesto,  si Pangulong Noynoy Aquino.

Kailan matatapos ang pagmumura ni Mang Juan sa pamahalaan dahil sa perwisyong dulot ng ‘di nasosolusyunang problema sa trapiko?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply