Greta dismayado na ‘di tuloy ang ‘Alta’

INAMIN ng magandang aktres na si Gretchen Barreto na nadismaya siya na hindi matutuloy ang inaabangan sanang teleserye na “Alta” kung saan siya dapat ang bida kasama sina Angelica Panganiban, KC Concepcion at Sam Milby (na pinalitan ni Derek Ramsay nang makipagsapalaran sa Hollywood’s).

Ani “La Greta” sa isang panayam sa telebisyon na inabot ng dalawang linggo bago siya nakahuma sa pagka-shelve ng naturang teleserye.

Gayunman, inamin ng aktres na excited siya sa bagong teleserye na kanyang pagbibidahan.

Gaganap siyang isang reyna, na aniya ay kanyang dream role sa “The Princess and I.”

Makakasama niya dito ang mga super sikat na bagets sa Kapamilya network na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bongga daw ang nasabing serye dahil gagastusan umano ito sa usapin ng production at wardrobe!

Wow kung gayun!

Abangan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply