Guro, 7 estudyante hinostage ng may sayad

HINOSTAGE ng isang lalaking pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip ang isang guro at pitong estudyante nito sa Camarines Sur kahapon (Huwebes, Pebrero 9).

Sinabi ng Pasacao PNP, pagkaraan ng apat na oras na negosasyon ay napasuko rin nila ang suspek na si Romeo Praxidio, 30-anyos ng Sitio Pookan, Barangay Macad, sa Pasacao, Camarines Sur.

Hindi naman sinaktan ni Praxidio na armado ng isang machete na itak ang guro at ang pitong elementary student na pawang ayaw magpabanggit ng pangalan.

Ayon pa sa pulisya, dadalhin si Praxidio sa isang mental institute para sa kaukulang medical attention matapos mahalatang tila wala ito sa sarili habang hinihimok na sumuko.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nag-umpisa ang hostage-taking dakong alas-4:00 ng hapon at natapos dakong alas-6:00 na ng  hapon sa isang pampublikong paaralan sa elementarya sa Barangay Macad.

Bago ito, nabatid na basta na lamang pumasok si Praxidio sa classroom ng mga biktima bago naglabas ng itak at saka hinostage ang walong biktima.

Napansin naman agad ng ibang kasamahang guro ang komasyong nagaganap kaya humingi ng saklolo sa awtoridad na rumesponde naman agad at napasuko naman agad ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply