Guro, empleyado ng public schools sa Maynila magsasagawa ng kilos-protesta

MAGSASAGAWA ng kilos-protesta ngayong araw ang mga guro at empleyado ng mga pampublikong paaralan sa Maynila dahil sa umano’y hindi pagbibigay ng lokal na pamahalaan ng kanilang dalawang taon nang financial assistance.

Nabatid kay Manila Public Schools Teachers’ Association (MPSTA) President Merlinda Añonuevo, P6,000 ang dapat matanggap ng bawat guro at P30,000 naman ang dapat matanggap ng mga non-teaching staff sa Maynila.

Nabatid pa na noong Disyembre 2010 at Disyembre 2011, hindi umano ibinigay ng local goverment ang financial assistance na aabot sa P520 milyon.

Patuloy din umano silang binabalewala ng mga opisyal ng Maynila kaya umaasa silang sa pamamagitan ng kilos-protesta na ito sa Liwasang Bonifacio ay mapakikinggan na ni Mayor Alfredo Lim ang kanilang hinaing.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply