Guro na nanlaban sa rapist, itinapon sa bangin

HALOS kalansay na nang makuha ang labi ng isang guro na itinapon sa isang bangin ng isang rapist sa Calamba, Laguna, iniulat  kanina.

Sa ulat ng pulisya, makaraan ang dalawang linggo ay sumuko ang suspek na si Junie Ortiz, 40, sa NCRPO matapos hindi patulugin ng kanyang konsensya sa pagpatay sa guro na si Julieta dela Cruz.

Sa imbestigasyon, alas-10 ng gabi nitong Enero 17 nang makisakay ang biktima sa suspek sa BF Homes, Parañaque nang tangkang gahasain ng salarin.

Nang manlaban ang biktima ay agad siyang binigti gamit ang seat belt ng suspek saka dinala ang bangkay sa Calamba, Laguna at itinapon sa isang bangin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply