Gusali ng gov’t agencies sa QC iinspeksiyunin

IINPEKSYUNIN ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon ang mga gusali ng gobyerno sa paligid ng Quezon Memorial Circle (QMC) upang matiyak na ligtas ang mga palagiang nandito sakaling magkaroon ng sakuna lalo na ng malakas na lindol.

Sinabi ito kaninang umaga ni Mayor Herbert M. Bautista dahil karamihan sa mga gusali ng gobyerno sa paligid ng Quezon Memorial Circle ay luma na at posibleng hindi na ito nakakatugon sa kasalukuyang requirements na nakasaad sa National Building Code (NBC).

Hihingin din ng pamahalaang lungsod ang structural blueprint ng mga gusali mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Alinsunod kasi ito sa pamantayan ng pamahalaan kapag kaya ng gusali na malampasan ang magnitude-7 na lindol ay pasado pa ito sa pamantayan ng NBC.

Anang alkalde, maliban sa pag-inspeksyon sa mga gusali sa paligid ng QMC, ipapanukala rin nila sa Kongreso na amyendahan ang NBC at itaas ang pamantayan na dapat ay kayang malabanan ng isang gusali ang magnitude-9.2 na lindol na siyang pinakamalakas.

Isa sa titignang gusali ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na sinasabing maraming crack o bitak sa mga pader.

Ang iba pang mga tanggapan naman ng gobyerno na nasa paligid ng QMC ay ang Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DA), National Housing Authority (NHA), National Anti-Poverty Commission (NAPC), Trade Union Congress Party (TUCP), Philippine Coconut Authority (PCA) at ang mismong Quezon City Hall.

Marami pang tanggapan ng gobyerno na bagamat hindi nakaharap sa Elliptical Road ng QMC ay malapit din sa nasabing liwasan.

Ayon naman kay Bautista, mayroon na silang kinomisyon para tignan ang istraktura ng Quezon City Hall building na naitayo umano noon pang 1971 at malalaman nila ang resulta ng pag-inspeksiyon ng mga ito pagkatapos ng anim na buwan.

“After 6 months, magkita-kita tayo ulit para malaman natin ang resulta ng isasagawang inspeksyon,” sabi pa ni Mayor Bautista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply