Haba ng pasensya ni Sen. Enrile nasubukan

HALOS nasubukan nang husto kung hanggang saan ang pasensya ni Senate President Juan Ponce Enrile sa pagpapatuloy ng impeachment proceeding laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon sa senador, pinag-aaralan din niya kung paano tratuhin ang mga concern ng magkabilang panig, maging ang hirit ng senator-judges sa usaping legalidad sa Corona trial.

“Not only do I have to carefully study the legalities of all the issues and concerns being raised by both the Prosecution and the Defense, but I also have to consider and balance the divergent and, most of the time, opposing views of my colleagues, my fellow Senator-Judges. It seems that not only Chief Justice Corona is being tried here, but also my patience,” ani Enrile.

Aminado rin si Enrile na hindi maaaring pigilan at kontrolin ang senator-judges sa paglilitis kay Corona, partikular na tumulong na sa prosekusyon sa paghahanap ng mga ebidensiya na magdidiin kay Corona.

Ilang beses na rin aniyang nasubukan ang pansensya ni Enrile kung saan kabilang na rito ang hirit ni House lead prosecutor Rep. Niel Tupas na maging liberal sa paghawak ng kaso ni Corona.

Giit ni Enrile, mabigat ang tungkulin ng impeachment court dahil nakasalalay dito ang magiging imahe ng kapulungan pati ang posibleng epekto sa democratic system ng bansa.

“We carry a very heavy burden on our shoulders nowadays. After all, in the context of the ongoing impeachment trial, the people’s faith in the Senate of the Republic, the image and the very fabric of our nation and our democratic system are at stake,” ani Enrile.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply