Hahawak sa kaso ni Gatdula, pinangalanan na

PINANGALANAN na ang panel na hahawak ng preliminary investigation laban kay dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula kaugnay sa kasong kidnapping na isinampa laban sa kanya at ng iba pang opisyal ng ahensya.

Sa isang pahinang kautusan na may petsang February 15, 2012, hinirang ni Prosecutor General Claro Arellano bilang miyembro ng panel sina Assistant State Prosecutors Juan Pedro Navera, Hazel Decena-Valdez at Irwin Maraya.

Binuo ang panel sa kabila na rin ng umiiral na 20 araw na temporary restraining order na ipinalabas noong ika-31 ng Enero ng Manila Regional Trial Court.

Ito ay kasunod na rin ng paghain ng reklamo ng Hapones na si Noriyo Ohara sa Department of Justice laban sa nabanggit na opisyal.

Kabilang din sa mga sinampahan ng kaso sina Dating NBI security division chief Mario Garcia, Virgelito Gutierrez, Raul Dimaano, Jose Cabillan at Jay Ducusin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply