Harry Roque ipinatawag bilang expert witness

IPINATAWAG ng House Prosecution Panel si UP Law Center Atty. Harry Roque upang dumalo bilang expert witness laban kay Chief Justice Renato Corona hinggil sa voting pattern nito sa pagpabor kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa mosyon na inihain ng prosekusyon sa impeachment Court ngayong araw, kailangan ang testimonya ni Roque upang patunayan ang kanilang alegasyon na kinikilingan ni Corona ang maraming kasong kinahaharap ni Arroyo sa Supreme Court.

“He will testity as an expert witness on the voting record of Chief Justice Renato Corona as a  member of the Supreme Court to prove his partiality and subservience to former president now Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, both when she was President and after she ceased to be one,” ayon sa mosyon ng prosecution.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply