Hatol sa MR ni Miriam vs subpoena sa Corona bank records ipinagpaliban

HINDI muna naglabas ng hatol si Senate President Juan Ponce Enrile sa motion for reconsideration ni Senator Miriam Defensor-Santiago ukol sa nadesisyunang subpoena sa mga bank record ni Chief Justice Renato Corona.

Nais ni Enrile na maiwasan na magkamli ang impeachment tribunal sa anumang aksyon na maaaring makaapekto ng malaki sa panig ng depensa at prosekusyon.

Ang panibagong caucus ay itinakda bukas (Pebrero 8) ng tanghali na siyang iminungkahi ni Senate Majority Leader Tito Sotto.

Una rito, sa pagsisimula ng paglilitis kanina, ay binasa ni Sen. Sotto ang mosyon ni Santiago, na muling lumiban ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply