Hayden Kho nagmamakaawa kay Dra. Belo

PARA ipakitang sincere siya sa kanyang paghingi ng tawad kay Dra. Vicki Belo, kahit na sinasabi niyang wala siyang kasalanan, hindi na raw ipu-pursue ni Hayden Kho ang pag-aartista at iko-close na rin nito ang kanyang Twitter account.

Iyon nga lamang, mukhang huli na ang lahat para sa doktor na binawian ng lisensya. Nagsalita na si Dra. Belo na hinding-hindi na raw siya makikipagbalikan sa babaerong ex-boyfriend.

Tila nagkaroon naman ng pagkakataon ang ibang kalalakihan na pomorma sa milyonaryang doktora. Marami raw nagpapasaring at nagpapalipad-hangin ngayon sa huli. Isa nga sa lumutang na pangalan ay itong si Al Galang. Hindi namin knows itong mamang ito pero sa kabila ng high-tech na tayo ngayon at kaliwa’t kanan ang social networking sites at idagdag pa ang makabagong gadget para sa mas mabilis na komunikasyon, aba’y itong si Al ay love letter daw ang ipinandidiskarte kay Madam Vicki. Kaya nyo ‘yun? Old school siya pare. Hahahaha!

Sabagay, mas romantic pa rin ‘yan lalo na kung sasamahan ng tsokolate at pulang-pulang rosas habang kumakanta ng kundiman with matching gitara. Hakhakhak!

Kaya sorry na lang kay Papa Hayden, kahit magmakaawa ka pa, too late the hero ka na pare. Hanap ka na lang ng iba.

***

MMFF 2012 pasasayahin ni Ate Vi

MATUTUWA nito ang lahing Vilmanian dahil niluluto na raw ang pelikulang pagsasamahan nina Governor Vilma Santos at Ai-Ai delas Alas. Isang comedy film itong bagong proyekto ng beauty pa ring gobernadora at ang blooming ngayong komedyante dahil sa bago nitong papang macho at batang-bata, at si Wenn Deramas ang magdidirek under Star Cinema.

Intended for Metro Manila Film Festival 2012 (MMFF) ang pelikulang ito. So, bale hahataw ngayon si Ate Vi sa dalawang projects.

Ginagawa niya ngayon ang “The Healing” at kapag nagkaroon pa siya ng maluwag-luwag na oras ay baka simulan na niya ang bagong pelikulang ito.

Sana nga mangyari ito para naman mas lalong sumaya at mabuhay ang festival.

***

Magpapayat para ‘di magselos sa mister na di naman guwapo

NAKATATAWA naman ito. Si singer na beauty naman kahit papaano at maganda ang height, nagseselos sa mister na singer din na maliban sa bansot na kulang pa sa itsu. Tingnan mo nga naman ang pag-ibig, talagang maraming milagrong nagagawa. Hehehe!

Feeling naman nitong si lalaki, gwapong-gwapo na siya, huh! Porke’t nakapag-asawa ng isang beauty queen e, labas na parati ang dibdib at very vocal sa pagsasabing crush niya ang artistang si ganito o si ganire. Hindi ba’t kaya siya nagustuhan ng dati niyang dyowa ay dahil sa kanyang boses, hindi sa kung ano pa man, di ba? Disappointed nga ‘yung pamilya ng babae dahil sa nalahian sila ng bonzai, kulay kayumanggi at lahing ukay. Hikhikhik!

Dapat kasi itong si misis ay magpapayat para hindi siya nai-insecure sa kanyang asawang simpleng mayabang.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply