Hayden Kho pinamimigay na ni Vicki Belo sa ibang babae

KANINA nag-tweet si Ms. Vicki Belo sa kanyang Twitter account ng ganito: “Nancycastilogne you can now openly date @haydenjr. You have my blessings. Hope you‘ll both be happy.”

Si Nancy Castiglione ba ‘yung tinutukoy ni Madam Vicki na namali lang ng spelling o sadyang inokray lang ng sikat na beauty expert?

Pinamimigay na ba niya ang kanyang boyfriend sa ibang babae? Hehehe!

Hindi namin alam na may ‘something’ kina Hayden at Nancy. Pero dahil si Madam Vicki ay nagbigay nang basbas sa kanyang dyowa at sa bago nitong ka-date, aba’y true itetch.

Bago ito, these past few days ay may mga naririnig na kaming bulong-bulungan na pinagsisintir daw ni Hayden ang hindi pagkakatuloy ng kanilang kasal ng kanyang milyonaryang girlfriend dahil sa maraming rason na isinaalang-alang ang huli. Unang-una na dyan ang pagkontra ng kaniyang dalawang anak sa taong pakakasalan niya. Pangalawa, gusto marahil ni Ms. Belo na patagal-tagalin pa ang kanilang boyfriend-girlfriend relationship upang ma-test siguro niya kung gaano katotoo sa kanya ang gwapong papa.

Eh, ang kaaway na mortal ni Katrina Halili nag-aalburuto na raw at talagang gusto ng maging misis si Ms. Belo kaya para inisin daw ang una dahil sa pagkakadiskaril ng kanyang pangarap, hayan at nakikipag-date raw ito sa iba.

Ang tanong, sino kaya ang mawawalan kapag itong pagpapasaway ni Papa Hayden sa pamosong doktora ay tinuloy-tuloy niya, aber?

‘Yun lang!

***

David Archuleta ‘bike’

SOBRANG bait daw nitong si David Archuleta. Sa taping na ginagawa nito sa TV5 para sa one time serye na gagawin niya for the said station lahat kinakausap nito. All smiles parati ito. Awtomatiko na raw sa facelak nito ang laging nakangiti. Kaya nga hindi siya nakaiilang na lapitan.

Sa sobrang pakikisama ng singer sa kanyang mga tagahanga, dalawa-singko lang sa kanya ang kodakan. ‘Yung mga fansita ay agad namang pino-post sa Facebook ang mga litrato at talagang pinagmamalaki nila na nakapag-kiss sila, nakayakap at nakapagpakuha ng picture sa American idol winner. Huwag lang silang magpupunas ng panyo saan mang parte ng katawan ng foreign singer at ipanggagamot nila sa may karamdaman, ibang usapan na ‘yan. Hehehe!

Pero may mga talent ang Singko na iniisnab itong si Archuleta. Ang tataray pa ng komento nila. “Hay naku! bike naman ‘yang si David Archuleta na ‘yan!” sabi ng isang aktresa na may teleserye sa Kapatid network. Marahil e, hindi yata napapansin ng binatang imported ang kanyang pagpaparamdam kaya nainis siya rito. Aba’y mas masaya raw ito pag ang kausap ay mga boys. Hehehe!

Sabagay, hindi naman ngayon lang natsismis ang dayuhan na ito sa kanyang doble karang katauhan. Kahit noong time na on going pa ang pakikipaghamok niya ng talento sa American Idol ay tsinitsika na siyang isang baklita.

Ngunit sa lahat ng winners or non winners na napabalitang bading ay si David lang ang hindi maarte. Sina David Cook at ‘yung baklang-bakla talagang si Adam Lambert sobrang maselan at saksakan daw ng kaartehan.

***

Taghirap na sa Siyete

SPEAKING of American Idol, napanonood na raw ito ngayon sa ETC, ang cable channel na pag-aari ni Wilson Tieng ng Solar Entertainment. Dati ang umi-ere nito ay ang Channel 11 ng GMA-7. Bakit nga ba napunta kay Mr. Tieng ang programang ito? Well, kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mas madatung na sa kanila ang mabait na businessman kaya siya ang may ‘k’ ngayong mag-air ng programang ito.

Gusto na tuloy naming paniwalaan ang naririnig naming mga sabi-sabi na sobra-sobra na raw ang pagkalugi ng Kapatid network sa kanilang mga shows kaya kinakailangan na nilang mahigpit ng sinturon.

Kung kaylan naman nagtuwaran na sa kanila ang sandamakmak nilang talent at lumipat sa ABS-CBN, ang istasyon na tunay na number one, ay saka naman nag-implenta ng mga pagbabago tungo (Hindi sa pag-unlad, huh!) sa pagtitipid ang Siyete.

Ano ba ‘yan, nagtitipid pa eh, ang baba nga raw ng pasahod dyan sa Kapuso?

***

Vice Gov. may respeto sa entertainment press

GAANO man kaliit o kahaba at regardless kung saan ito sinulat, still andon ang pasasalamat ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando sa writer na nagsulat para sa kanya. Hindi siya namimili ng pahayagan. Ang mahalaga sa kanya ‘yung sinseridad ng nagsulat. Kaya natuwa kami ng ipaabot sa amin ni JC Reyes, ang PRO ni Vice Gov. Daniel, ang taos pusong pasasalamat daw ng huli sa mga isinulat namin sa kanya.

Ayon nga kay JC, pila-balde raw parati kay Daniel araw-araw ang local newspaper writers sa tanggapan nito at talagang ini-entertain ito ng actor/politician.

Sabagay, noon pa eh, respetado na talaga ni Vice Gov. ang entertainment press. Ilang beses na niya itong pinatunayan. At nitong huli nga ay ipinagtanggol nito hindi lamang ang kapwa artista (Aiko Melendez) kundi ang apat na writers na idinemanda ng dalawang mayor ng Bulacan sa kasong libel.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply