HDO vs suspek sa Orate case ipatupad- De Lima

INATASAN na ni Justice Secretary Leila de Lima si Bureau of Immigration Commissioner Ricardo David na ipatupad ang Hold Departure Order (HDO) laban kay Allan Robes na suspek sa pagpatay sa dating kinakasama ni former Quezon City Rep. Nanette Castelo-Daza na si Noel Orate Sr.

Ayon sa kalihim hindi dapat hayaan ng BI na makalabas ng bansa si Robes matapos na mag-isyu ng HDO ang korte ngayong araw.

Nauna nang hiniling ng pamilya Orate sa kay QC RTC Branch 218 Judge Luis Maserin na magpalabas ng HDO laban sa suspek na pinaboran naman nito.

Pinapanagot din ng Pamilya Orate ang mga pulis na unang nag-imbestiga sa naganap na pagbaril at pagpatay sa biktima.

Sa pakikipagpulong ni Noel Orate, Jr., kasama  si Dante Jimenez ng Volunteer Against Crime and Corruption kay De Lima, iginiit ng mga ito na bukod sa pagsasagawa ng re-investigation ng NBI sa kaso ay nauna nilang hiniling sa Department of the Onterior and Local Government (DILG) na pagpaliwanagin ang mga pulis Quezon City sa minadali at kulang–kulang na imbestigasyon.

Anila, hindi naisama ng mga pulis sa imbestigasyon si dating Cong. Daza.

Ibinunyag din Jimenez, na matapos maibaba lamang sa kasong homicide laban sa suspek na si Romeo Allan Robes gumagawa umano ito ng hakbang upang makatakas palabas ng bansa, ito ay sa kabila ng nagpalabas na ng hold departure order ang korte.

Samantala, dahil sa nakatatanggap ng pagbabanta sa buhay ang pamilya Orate, ilang kaibigan umano nila ang nagboluntaryo na tumulong para sa kanilang seguridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply