Heat umalagwa sa 4th quarter

UMARANGKADA sa fourth quarter ang Miami Heat upang tustahin ang mabalasik na Philadelphia 76ers, 99-79, sa 2011-12 National Basketball Association (NBA) regular season kanina.

Malamig sa unang tatlong quarters ang Heat kaya naman lumaban ng pukpukan ang Sixers.

Sa fourth canto ay bigla na lamang lumiyab ang Heat ng 15-0 run upang ilista ang 17-6 win-loss card at manatiling nasa unahan ng Southeast division.

“Our first-round series against them was arguably the toughest, outside the finals,” wika ni Heat coach Erik Spoelstra bago magsimula ang kanilang laro.

Umariba ng 26 puntos, limang rebounds at apat na assists si Dwyane Wade habang 19 points, 12 boards at walong assists ang kinamada ni LeBron James upang hiyain sa sariling lugar ang Sixers sa pangatlong pagkakataon sa season na ito.

Nag-ambag din sina Mario Chalmers at Chris Bosh ng 13 at 12 points ayon sa pagkakasunod upang duplikahin ang panalo ng Miami sa Philadelphia. Nagwagi ang Heat sa Sixers noong Enero 21, 113-92.

Sa ibang NBA results, natuliro ang Cleveland Cavaliers sa mahika ng Orlando Magic, 94-102, habang nginatngat ng Minnesota Timberwolves ang New Jersey Nets, 108-105. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply