High-value crops itatanim sa South Cotabato

ISANG grupo ng  mamumuhunan ang  naghahanap ng lupang pagtataniman ng mga high-value crops sa bansa.

Inihayag ni Provincial Agriculturist Reynaldo Legaste na kasalukuyang naghahanap ng lupang pagtataniman ng mga grupo na naglalayong mapaunlad ang mahigit 1,000 hektaryang rubber,
1,000 hektaryang kamoteng  kahoy, at  1,000 hektaryang kape sa South Cotabato.

Ang pagpasok ng naturang proyekto sa mga high-value crops at nakatuon ang pagpapaunlad nito sa mga watershed area.

Maliban sa magandang pagkakakitaan ng mga magsasaka sa  mga bulubunduking bahagi ng  South Cotabato, maganda ang layunin ng pagtatanim ng mga puno sa mga watershed area para manumbalik  ang pagiging luntian ng malaking bahagi ng lalawigan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply