Hindi ba kaya ng BJMP si Vela?

NAGSIMULA nang magbungkal ang Bureau of Jail Management and Penology sa nasisipat na kapabayaan sa tungkulin at gawain ni Quezon City Jail Warden Supt. Joseph Vela…kaugnay ng pagsiklab ng gulo—teka, hindi naman lubusang sumiklab dahil naagapan nga pala ng mga nakatalagang tanod sa naturang piitan.

Naagapan man ang madugo’t malagim sanang salpukan ng magkaribal na tropa ng Sputnik at Bahala na Gang, naroon pa rin ang alitan ng magkabilang panig… at kapag hindi namagitan ang mga pinuno ng BJMP para mapagkasundo ang dalawang tropa, laging nasa bingit ng giyera patani pati na ang iba pang madadamay na bilanggo.

Maliit lang ang mitsa ng gulo—nagkairingan, nagkakulitan, nagsigawan ang isang Sputnik at isang Bahala na nagkatagpo sa kapilya ng bilangguan… muntik nang mauwi sa suntukan.

Mapapansin ng sinomang dadalaw sa Quezon City Jail na talagang magkahiwalay ng lugar ng umpukan ang magkalabang tropa—hindi talaga nagsasama-sama… sabi nga’y jailbirds of the same feather flock together.

Binangga raw ng Sputnik ang kasapi ng Bahala… nagkainitan na. Nakarating sa isang pinuno ng Bahala ang nangyari sa kapilya… nagbigay ng hudyat sa mga Bahala para upakan ang Sputnik.

Sumugod  na ang magkabilang grupo pagkatapos na malaman na may nakalaban ang isa sa kanilang miyembro. D’un na nagsimula ang gulo,” pahayag ng isang preso.

Pero bago nagpang-abot ang dalawang pulutong, nakahalata ang mga jailguard… nagpaugong ng alarma’t susugod din para mapigil ang bakbakan.

Nangyari ‘to nitong Pebrero 8 pero hindi lumabas ang ulat sa media, itinago marahil. O nasupalpalan na ang mapagkukunan ng balita hinggil dito—kasi nga’y tiyak na basa na naman ang papel ni Vela, at baka masibak pa sa puwesto.

Kung tutuusin, para lang sa 500 hanggang 800 bilanggo ang QC Jail pero mahigit sa

2,000 ang nakapiit dito—at nakapanlulumo na mismong mga taga-International Committee of the Red Cross (ICRC) ang nagpahayag na sa mga bilangguan sa bansa, karaniwan nang 8-10 bilanggo ang pinagkakasya sa apat na metro kwadradong puwang…

Nabanggit na rin natin dito na may 70 kaso ng tisis o tuberculosis sa QC Jail at ilan sa mga maysakit ang may taglay sa tinatawag na antibiotics-resistant PTB—‘yung hindi na kayang gamutin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply