Hindi pa nga First Lady ilusyunada na: Grace Lee nakikipag-away na sa media

WE cannot blame Kris Aquino kung true ang chikang hindi nito feel si Grace Lee para sa kanyang brother na si President Benigno “Noynoy” Cojuangco Aquino.

Kasi nga, hindi pa man ito first lady, kung makaasta na parang reyna na ng Malacanang.

Okey, sabihin na nating prangka ito at straightforward siya sa kanyang mga sinasabi. Pero tama ba naman at makatarungan na porke pinag-uusapan siya ngayon sa mga TV news program at sa iba’t ibang social networking sa Internet, tabloids etc. ay pwede na siyang (Grace) makipag-away sa media?

Kalokah! Nasulat ng kilalang police beat columnist na si Ellen Tordesillas sa Yahoo Philippines sa website ng GMA News ang tungkol sa interbyu ni DJ Mo sa kanya sa controversial radio program nito sa isang FM Station na Good Times In The Morning na nakikita raw ni Grace na sa altar na hahantong ang pagdi-date nila ni PNoy. ‘Yan lang naman daw ang isinagot ng nasabing radio and TV host nang tanungin siya ni Mo tungkol sa namumuong relasyon nila ngayon ng ating Presidente. Ang hindi raw nagustuhan ni Grace ay nang gawan siya ng issue ni Ms. Ellen na off-cam ay sinabi raw nito kay DJ Mo na nag-offer sa kanya si President Noy na bigyan siya ng securi- ty courtesy of his Presidential Security Guard(PSG). Naging sensational ang issue ito kung saan kaliwa’t-kanang batikos ang tinanggap ni Grace.

Oo! Nandoon na tayo na nalagay siya sa alanganin dahil sa article na ‘yun ni Ellen Tordesillas. Pwede naman niyang i-deny ito lalo pa’t ang dialogue niya ay wala siyang pinakawalang ganyang statement. Kaso mo, gusto talaga nitong magpa-bida at ang hiling niya ay public apology talaga mula kay Ellen. Ang tanong, magpa-public apology naman kaya sa kanya ang nasabing writer?

Basta! For us bawas points ito for Grace lalo na’t kung totoong may relasyon na nga sila ni PNoy. Pano na lang kapag naging Unang Ginang na siya ng ating bansa?

Hindi kaya lahat ng babatikos sa kanya ay idemanda niya ng libel? Dapat nga maging ma-PR pa siya sa lahat no? Para maging lovable siya sa paningin ng media.

Sayang, pretty pa naman siya. Nakati-turn-off gyud!

My Beloved Ni Marianita Rivera nilalamon sa rating ni Coco Martin

Of course we feel vindicated lalo pa’t nagkatotoo ang kutob ng inyong kolumnista na matutulad rin ang kapalaran ng My Beloved sa flopsinang teleserye noon ng magdyowang Marianita Rivera at Dingdong Dantes na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Tama gyud! Sa huling talaan ng Kantar Media ay nakakuha ng 26.7% sa national TV rating ang Walang Hanggan na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes kontra sa mababang rating na 22.2% ng My Beloved. Siguro kung si Rhian Ramos pa natuloy na magbida rito ay hindi ito sumemplang sa rating games. Knowing Marianita na hindi naman sincere sa kanyang kabaitan, bad karma talaga ang aabutin ng No Beloved nito sa ere.

By the way, bilang pasasalamat ng buong casts ng Walang Hanggan sa mga televiewers na hindi bumibitaw sa kanila gabi-gabi, tuluy-tuloy pa rin ang paghahatid nila ng saya sa kanilang mga fans sa pamamagitan ng isinasagawa nilang Mall Tour na pawang mga naging successful. Sa darating na Sabado (Pebrero 18) mapapanood nyo sila sa Gaisano Capital Island Mallsa Mactan Cebu at 5:00 PM onwards. Abangan ang lalong umiinit at makapigil-hiningang eksena sa Walang Hanggan gabi-gabi pagkatapos ng Budoy sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply