Hirit na pagdalaw ni GMA sa burol ni Rep. Iggy tinutulan

TUTOL ang isang arsobispo sa kahilingan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makadalo sa burol ng kanyang bayaw na si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo.

Ayon kay Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, nagdadahilan lamang aniya ang dating Pangulo para makalabs sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) kung saan ito naka-hospital arrest.

Sinabi ni Cruz, na mas mabuting ipagdasal na lamang ni Ginang Arroyo ang kaluluwa ng kanyang bayaw kung sinsero ang pakikidalamhati niya dito.

Wala naman aniyang pinagkaiba ang pagpunta ng dating Pangulo sa burol ng kanyang bayaw at ang taimtim na pagdarasal sa kulungan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply