Hirit na piyansa ni Abalos nakabitin pa rin

DISMAYADO ang kampo ng dating Comelec chairman na si Benjamin Abalos nang hindi pa rin payagan ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang hirit na makapagpiyansa sa kasong election sabotage.

Sa ginanap na pagdinig ng usapin, muling na-reset ang schedule para madinig ang kanilang motion para makapaghain ng piyansa.

Ang pagbasura sa motion ay nang hindi napaghandaan ng panig ng prosecution lalo na ng abogado ng Comelec na maipresinta ang mga testigo para patunayan ang kanilang oposisyon para pagkalooban ng piyansa si Abalos na kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Southern Police District.

Sa ginanap na pagdinig sa sala ni Judge Eugenio dela Cruz ng RTC branch 117 kanina, nagkaroon ng debate sa pagitan ni Atty. Esmarlda Lagra ng Comelec at Att. Brigido Dulay abogado ni Abalos.

Pinipilit ni Dulay na makapag-desisyon na ang korte sa kanilang kahiniligan na makapagpiyansa si Abalos pero humirit ang prosecution na mabigyan pa sila ng tatlong araw para makapag-kumento at maiprisinta ang kanilang testigo na magpapatunay para pigilang makapa-piyansa si Abalos.

Agad naman itinanong ni Judge Dela Cruz kung nakahanda ngayong araw ang kanilang testigo pero hindi nakahanda ng mga ito.

Ang muling pagdinig ng usapin ay itinakda ni Judge Dela Cruz sa Marso 5 na siya ring petsa sa arraignment ni Abalos. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply