Hirit na price hike sa sardinas ibinasura

HINDI na pinahintulutan ng pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit ng tatlo pang pabrika ng sardinas na makapagtaas ng presyo ng kanilang produkto dahil nakatakda nang alisin ang ban sa panghuhuli ng isdang tamban.

Ayon kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, maliit lamang ang hirit na dagdag presyo ng kada-lata ng sardinas ng tatlo pang pabrika subalit baka hindi na nila mapapahintulutan dahil magwawakas na ang ipinaiiral na pagbabawal sa panghuhuli ng tamban sa Zamboanga Peninsula.

Magugunita na una nang pinagbigyan ng DTI ang pagtataas ng presyo ng dalawang malaking kompanya ng sardinas noong Enero matapos magpatupad ng ban sa panghuhuli ng tamban na ginawang sardinas dahil panahon pa lamang ng kanilang pangingitlog.

Gayunman, tiniyak ng DTI na pag-aaralan pa rin nila ang hirit ng tatlong pabrika ng sardinas kung makatwiran ang kanilang hinihinging price adjustment.

Batay sa ipinatutupad na fishing ban ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), magtatapos na ito sa Pebrero 29 at magbabalik na uli sa normal ang panghuhuli ng tamban sa unang araw ng buwan ng Marso kaya wala nang magiging problema sa panghuhuli ng isdang ginagawang sardinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply