History ng ‘Edsa 1986 revolt’ rerepasuhin

BILANG bahagi ng ika-26 taong paggunita sa diwa ng Edsa People Power sa Pebrero 25 naagpaplano ngayon ang People Power Commission (PPC) na baguhin at itama ang mga nasusulat sa libro na may kaugnayan sa mga naging kaganapan noong Edsa 1986 Revolution.

Bagama’t hindi sinabi ni PPC Chief of Staff Celso Santiago kung anong bahagi o parte ng kasaysayan ang kanilang nais ituwid ay bubuo umano sila ng isang technical working group na silang susuri at mag-aaral sa mga librong nasusulat upang maitama o kaya’y madagdagan ang lumabas na mga detalye tungkol sa Edsa People Power.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Education at Commission on Higher Education, target na maihabol ng PPC ang kanilang proyekto sa muling pagbubukas ng klase ngayong taon.

Ani Santiago, ang Technical Working Group ay kinabibilangan hindi lamang ng mga historian at manunulat ng libro, kundi maging mismong mga personalidad na naging bahagi ng rebolusyon noong 1986. AC

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply