Holdaper na miyembro ng Cafgu, natiklo

SWAK sa kulungan ang miyembro ng Citizen Armed Forces and Geographical Unit (Cafgu) matapos mahulihan ng baril na sinasabing nanghoholdap ng mga pasahero sa Caloocan City kagabi (Pebrero 3).

Nakilala ang suspek na si Caharoudin Tuano, 29, ng Phase 8-A, Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi, nagroronda ang mga pulis sa Phase 1, Bagong Silang nang mapansin ang suspek na may nakabukol sa tagiliran habang sakay ng jeep na pampasahero.

Pinara ng mga pulis ang jeep at kinapkapan ang suspek at nakuha ang kalibre .38.

Nang hingan ng papeles ay walang maipakita na naging dahilan upang dalhin sa presinto at nalaman na sangkot ng suspek sa mga holdapan sa nasabing lugar. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply