Homosexual judge pinatawan ng parusa

PINAGBABAYAD ng Korte Suprema ng multa ang isang huwes dahil lamang sa simple misconduct.

Guilty sa salang simple misconduct si Judge Eliseo Campos mula sa Municipal Trial Court (MTC) ng Bayugan, Agusan del Sur kaya pinatawan ito ng multang P20,000.

Ito ay base na rin sa rekomendasyon ng Office of the Court Administrator (OCA).

Ang pagpataw ng parusa kay Campos ay matapos akusahan ang kanyang maybahay na may karelasyong ibang lalaki at idinahilan ang pagiging homosexual nito para lamang mapawalang bisa ang kanilang kasal.

Nabigo namang patunayan ni Campos ang kanyang bintang sa kanyang asawa kaya nagpasya ang Korte Suprema na hatulan ito at pagmultahin ng nasabing halaga.

Isinulat naman ang hatol ni Associate Justice Antonio Carpio mula sa SC Second Division.

Ibabawas ang multa sa kaniyang mga matatatanggap na benepisyo matapos itong magbitiw sa kanyang tungkulin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply