Honda Civic sumalpok sa poste sa Bataan: 2 patay, 4 grabe

PATAY ang dalawa habang apat na iba pa ang nasa malubhang kalagayan makaraang sumalpok ang isang Honda Civic sa poste sa bahagi ng Barangay Bunting, Bataan.

Nabatid na dead on the spot sina Tristan Jay Cruz at Armando Calma habang kaagad na isinugod sa Bataan General Hospital ang mga sugatan na sina Juan de Junco, Joey Cruz at Sheena Cruz, at isang hindi pa nakikilalang biktima.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply