Horrigan, Cojuangco wagi sa 2011 TRS-Ford Fiesta Cup

NAGPIYESTA ang mga nagwagi sa katatapos lamang na 2011 TRS-Ford Fiesta Cup noong nakaraang linggo na ginanap sa Batangas Racing Circuit.

Matapos ang siyam (9) na rounds sa loob ng halos tatlong(3) buwan, tinanghal na kampeonato ng 2011 TRS-FoFi Cup si Bobby Horrigan na nakakuha ng 103.5 total points sa buong season. Ipinanalo ni Horrigan ang race 4, 5, at 8 kung saan nakakuha siya ng highest score na 15 points para sa bawat round.

Sinegundahan si Horrigan ng mahigpit niyang kalaban na si Charlie Cojuangco na nakaipon ng 96 points matapos ang siyam (9) na round.

Tatlong beses rin nakakuha ng perfect score na 15 si Cojuancgo sa buong karera at ito ay sa race 1, 2 at sa race 6.

Pumasok sa top 3 si Stefan Wolf, na 27 points ang naging agwat kay Cojuangco. Ang race 3 winner naman na si Ross Jackes ay nakaipon ng 55 points; siya ang nakakuha sa ikaapat na pwesto. Ang 48 points ni Basti Escalante ang nagluklok sakanya sa top 5 spot.

Lahat ng kalahok ay kumarera gamit ang latest models ng Ford Fiesta. Ang TRS-Ford Fiesta Cup ay pinangungunahan ng nangungunang racing school sa bansa, ang Tuason Racing School (TRS) at ng Ford Philippines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply