Hostage-taking incident sa NPC mapayapang natapos

MAAYOS na natapos ang hostage-taking incident sa Navotas Polytechnic College (NPC), makaraan ang higit apat na oras na negosasyon.

Ligtas na nailabas ng NPC ang biktimang si Amy Perez, administrative assistant ng kolehiyo at ang salarin na si Esmeraldo Yarcia, 23.

Ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco, nang kaniyang makausap si Yarcia, inihayag daw ng hostage-taker na wala naman itong problema sa paaralan.

Ayaw namang magdetalye ng mambabatas sa motibo ng suspek pero sinabing may kinalaman ang edukasyon kung kaya nagawa nito ang pangho-hostage.

Matagal na umano nitong sinusubukangg mang-hostage pero sa NPC lang nagkakaroon ng pagkakataon.

Kabilang sa mga naging demands nito kanina ay ang bigyan ng pagkain ang kaniyang hinostage at media.

Hiniling din nito ang kaniyang mga kaibigan at huwag siyang saktan kapag lumabas kaya nang pumasok ang mga kaibigan ay sumuko na rin si Yarcia.

Unang napaulat na pasado alas-8:00 nang i-hostage ng suspek ang biktima.

Si Yarcia ay dating nag-aaral sa NPC pero lumipat ng paaralan.

Nababitd na hindi kakikitaan ng tension ang suspek at nakangiti pa ito nang ilabas ng awtoridad.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply