House prosecutors magdadahan-dahan na

MATAPOS ang   ilang  ulit ng masabon sa  ginaganap na   impeachment  trial sa  Senado, magdahan-dahan na umano  ang mga  house  prosecutors partikular ang mga tagapagsalita nito.

Naging  hakbang ito ni House lead prosecutor Rep. Niel Tupas para sa mga tagapagsalita ng prosecution panel upang maiwasan ang anumang maging puna ng mga senator-judge sa impeachment case laban kay Supreme Court Chief  Justice Renato  Corona.

Puntirya sa mga puna ng mga senator-judge ang mga tagapagsalitang  ng nasa panig ng prosekusyon dahil sa mistulang nagaganap ang paglilitis sa labas sa halip na sa mismong impeachment court dahil sa ginagawang pagsisiwalat ng mga impormasyon sa media o sa publiko kaugnay sa merito ng kaso.

Inamin ni Tupas na kanya nang kinausap ang kanilang tagapagsalita na sina sina Rep. Miro Quimbo, Rep. Sonny Angara at maging si Rep. Erin Tañada na sumunod sa mga  direktiba ng impeachment court at huwag pangunahan ang paglilitis ng hukuman.

“Noong nagreklamo ang mga senador ay agad kaming nag-usap ng aming tagapagsalita, sinabihan ko na ito lang ang guidelines, sundin natin to kasi ito yong nirereklamo ng mga senador at may directive si Senate President Juan Ponce Enrile,” ayon kay Tupas

Magugunitang tila ikinaasar nina Sen. Chiz Escudero at Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada nang hindi mapatunayan sa loob ng korte ang unang akusasyon mga prosecution panel na umaabot sa 45 ang ari-arian ni Corona samantalang nasa 20 hanggang 24 lamang ang kanilang nailalahad na ari-arian nito sa impeachment court.

Maging  si Sen. Gringo Honasan ay naghayag din ng kanyang puna sa umano’y pinapangunahan ng mga tagapagsalita ang impeachment proceedings. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply