HS students hinihikayat kumuha ng training course sa construction

HINIKAYAT ng Department of Labor and Employment (Dole) ang mga high school students na kumuha ng training courses sa construction dahil sa marami ang nangangailangan nito sa local at international market.

Sa news realease, sinabi ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz na  maaring makatanggap ng mas mataas pa sa P50,000 ang mga highly-trained workers.

“The tuition for courses related to construction will only cost about P3,000 to P15,000 depending on the duration and type of training,” ayon pa sa kalihim.

Sinabi pa ng kalihim na  ang mga Filipino construction workers ay nakakatanggap ng P13,000 hanggang 40,000 kada buwan.

“Some of these jobs which only require minimum training cost but guarantee a return of high income are CAD operators, electricians, and metal fabrication technicians,” dagdag pa ni Baldoz.

Anang kalihim, maraming computer schools ngayon ang nag-aalok ng 48 hanggang 60 oras na construction related courses mula sa halagang P4,500 hanggang P5,600 lamang kada kurso.

Ang CAD operators naman ay nakakatanggap ng P10,000 hanggang P24,000 kada buwan bukod pa sa allowance at iba pang incentives.

Paliwanang ng Dole  na ang CAD operators ay in-demand ngayon dahil ang architectural at engineering design ngayon ay karaniwan nang isinasalin o ginagawa sa detailed CAD drawings. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply