Iba pang accounts ni Corona sa PSBank ipina-subpoena

IPINAKUKUHA na ni Senate President Juan Ponce Enrile ang iba pang bank deposits sa iba’t ibang porma ni Chief Justice Renato Corona sa Philippine Savings Bank (PSBank) alinsunod sa mosyon ni Senator-judge Serge Osmena.

Sa kanyang kautusan, inatasan ni Enrile ang Clerk of Court ng impeachment court na ipakuha ang lahat ng bank deposits ni Corona kabilang ang Investment Trust Funds, Time Deposit, Certificates of Deposits at iba pang financial instruments nito sa PSBank.

“Ipadala na ang subpoena,” ayon kay Enrile.

Nitong Huwebes, kinuwestiyon ni Osmeña si Pascual Garcia III, president at chief executive officer ng PSBank kung may iba pang account si Corona sa naturang bangko maliban sa savings at current deposits na siyang tinutugunan ng naturang opisyal.

Sinabi ni Osmeña na kailangan matunghayan ng impeachment court ang iba pang accounts ni Corona na may koneksiyon sa binanggit na sampung (10) account ng punong mahistrado sa PSBank dahil maaaring inilipat lamang ang pondo at iba pang uri ng deposito kaya’t nabawasan ang orihinal na account.

“If you want to be more limited, in connection with the 10 accounts. Moneys that were taken from the 10 accounts that were merely shifted to other types of deposits, also with Philippine Savings Bank po, or PS Bank.,” ayon kay Osmeña.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply