Ibang lindol naman

MAY lindol pang nagaganap, bukod sa mga tinatawag na aftershock ng malakas na lindol kamakailan na tumama sa pagitan ng isla ng Negros at Cebu.

Tinamaan ng bagong lindol ang Timog Katagalugan at parteng Lanao sa Mindanao.

Kailangang magmatyag ang pamahalaan sa nagaganap na ito.

Hindi lamang ngayon kundi sa darating na mga panahon, lalo na sa tag-ulan o kung may bagyo.

Ang bagyo kasi ay dumarating nang wala sa oras at pumapasok kahit sa kasagsagan ng El Niño na sobra ang init ng panahon.

oOo

May nakikita tayong napakadelikadong mga lugar na ngayon pa lamang ay dapat nang bantayan at alisan ng mga naninirahan doon.

Sa Negros Oriental, basta na lang dumadausdos ang mga bahagi ng bundok na may habang isang kilometro.

May mga nakita ring mga bitak sa maraming lugar, bukod sa mga kabahayan at kalsada.

May delikado ring mga gusali sa Cebu at Iloilo.

At bawat aftershock, may naghihiwalay na mga lupa sa patag at bundok.

Hindi maiwasang isipin na lahat ng nagkabitak ding mga gusali ay pagmumulan ng mga disgrasya.

oOo

Sa gitna ng lahat ng ito, dapat na mabilis na kumilos ang pamahalaan.

Isang malaking katanungan kung ano-ano na ang iniisip nitong mga programa upang ilayo ang mamamayan sa mga delikadong lugar.

Kakambal nito ang pag-aasikaso sa kasalukuyang libo-libong biktima.

Kabilang na rin sa mga isasaalang-alang ang dapat na pagbabalik sa normal na buhay hindi lang ng mga nasalanta kundi maging ng iba pang may kaugnayan sa kanila gaya ng nasa industriya ng transportasyon, negosyo, atbp.

Marami ang dapat na asikasuhin.

Ang pagtutulungan ng lahat ay kailangang-kailangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply