Ika-10 araw ng paglilitis vs Corona simula na

SINIMULAN na ang ika-sampung araw ng paglilitis sa impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa Senate Impeachment Court.

Ang panimulang panilangin ay pinangunahan ni Senator-judge Teofisto Guingona.

Labing-siyam na senador ang dumalo sa paglilitis ngayong araw kaya nagdeklara ng qourum ang impeachment court.

Inaasahan ngayong araw na ipagpapatuloy ang pagpiprisinta ng mga testigo at ebidensiya ng prosekusyon para sa ikalawang article.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply