Ika-52 kaarawan ni PNoy sinabayan ng kilos protesta

KALIWA’T kanang kilos protesta ang inihanda ngayon ng iba’t ibang sektor kasabay ng ika-52 kaarawan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Nabatid na nagtipon-tipon ang ilang grupo sa harap ng University of Santo Tomas sa kahabaan ng Espana Boulevard, hindi pa man sumisikat ang araw habang ang iba naman ay sa Recto at Legarda area.

Bitbit ng mga rallyista ang placards at magmamartsa patungong Mendiola o Don Chino Roces Bridges upang kondenahin ang patuloy na pagtaas na presyo ng langis, nakaumang na pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco at pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.

Malaking kahon ng regalo rin ang kanilang dala-dala, na kanilang sisindihan at paliliyabin bilang protesta.

Inalerto naman ni Manila Police District Director P/Chief Supt. Alex Gutirrez ang kanyang tauhan na bantayan ang isasagawang kilos protesta ng militanteng grupo upang maging payapa at matiyak ang seguridad ng bawat isa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply