Ikalawang warship ng US makukuha na ng Pinas

INTERESADO na ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa alok ng Amerika na ibigay na sa bansa ang U.S. Navy Coast Guard Cutter Dallas.

Dahil dito, patuloy ang ginagawang pagpapalakas ng pwersa ng Armed Forces of the Philippines sa pagpapalakas sa pandaigdigang puwersa nito.

Ayon kay Navy Chief Vice Admiral Alexander Pama, interesado ang Pilipinas sa alok ng Amerika sa ibibigay na warship.

Ipinahayag ni Pama, na nagpadala na ang Amerika ng sulat sa Pilipinas kaugnay sa alok sa bansa kung interesado ba ang Pinoy na makuha ang warship dahil inaprubahan na ng US government ang pagbibigay nito.

Dagdag pa ni Pama, kung magiging maayos ang pag-uusap, inaasahang makukuha ng Pilipinas ang ikalawang barkong panggiyera nito sa Mayo pero kinakailangang gumastos ng P450 million para sa transportasyon.

Matatandaang noong isang taon ay nakuha ng Pilipinas ang pinakamalaking barkong pandigma mula sa Amerika na tinawag na BRP Gregorio del Pilar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply