Ilan sa testimonya ni de Lima ibinasura na

IBINASURA na ng impeachment court ang ilan sa naging pahayag ni Justice Sec. Leila de Lima hinggil sa kanyang ginawang pagpapatunay sa naging dissenting opinion ni Associate Justice Sereno laban sa temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Korte Suprema sa travel ban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

SSa utos ni Senate President Juan Ponce Enrile, itinuring ng impeachment court na hearsay ang pahayag ni De Lima dahil wala siya nang ginanap ang delibirasyon ng Korte Suprema.

Bagamat ang dissenting opinion ni Sereno ay mananatili sa records ng impeachment court.

Partikular na inalis ay ang pahayag ni De Lima na “Jutice Sereno’s dissenting opinion gave us a picture of irregularities in TRO on Arroyo’s travel ban.”

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply