Ilang bayan sa Leyte lumubog sa baha

LUMUBOG na sa baha ang ilang bayan sa Leyte dahil sa walang humpay na pag-ulan.

Hanggang kaninang hapon ay hindi na madaanan ang mga bayan ng Javier, Mac Arthur, Mayorga at Abuyog dahil sa mataas na baha.

May ilang pamilya na rin ang nagsilikas sa kanilang tahanan,

Bukod sa pagbaha, naitala rin ang pitong landslide sa iba’t ibang bahagi ng Abuyog dahilan para hindi rin madaanan ang ilang lansangan sa nasabing bayan.

Bagamat wala namang bagyo, tatlong araw namang nakaranas ng walang humpay na pag-ulan ang nasabing lalawigan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply