Ilang lugar sa Negros Oriental, mapanganib

IDINEKLARANG mapanganib ang dalawang lugar sa Guihulngan City at isa sa La Libertad, Negros Oriental ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa liham na ipinadala ni DENR Region 7 Director Loreto Alburo kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, hindi na maaaring tirhan ang Sitio Bloke Dos, sa Barangay Solonggon, La Libertad kung saan nangyari ang landslide na tumabon sa mahigit 40 residente noong Pebrero 6.

Samantalang sa Guihulngan City ay kailangan nang ilikas ang mga nakatira sa Sitio Ilaya, Barangay Tinayunan Beach at Sitio Pitogo sa Barangay P. Zamora makaraang makitaan ng mga bitak ang bundok.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply