Illegal recruitment at visa fraud, nabuko

NABUKO ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang malaking sindikato ng illegal recruitment at visa fraud matapos ang isinagawang pagsalakay sa Maynila.

Umabot sa 20 staff ang inaresto ng pulisya sa tanggapan ng United Star Alliance Consultancy and Immigration Service (USA-CIS) Sa Roxas Boulevard, Ermita, Maynila, na sangkot umano sa illegal recruitment.

Ayon kay CIDG Director Atty. Samuel Pagdilao, Jr., nag-ugat ang operasyon matapos hilingin ng US Embassy ang imbestigasyon kaugnay sa pagre-recruit ng nasabing kumpanya ng mga aplikante para maging caregiver sa Estados Unidos.

Paliwanag ni Pagdilao, naniningil ng P50,000 hanggang P100,000 ang USA-CIS para sa orientation, coaching at processing bukod pa sa kahalintulad ding halaga para naman sa US visa.

Sinabi ni Pagdilao na base sa reklamo ng embahada, halos 200 na ang nag-apply sa kanila ng US visa gamit ang mga pekeng dokumento na mula sa sindikato. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply