Imbestigasyon kina Banal at Umali tuloy

HIHINTAYIN lamang ng House Committee on Ethics na matapos ang impeachment proceedings sa Senado laban kay Chief Justice Renato Corona at kanilang itutuloy ang paghahain ng reklamo sa dalawang mambabatas na nagsumite sa impeachment court ng mga dokumentong iligal na nakalap.

Sinabi ni Bohol Rep. Erico Aumentado, chairman ng nabanggit na komite na maaari silang ma-subjudice kaya patatapusin muna ang impeachment bago imbestigahan sina Quezon Rep. Jorge “Bolet” Banal at Mindoro Rep. Reynaldo Umali sa posibilidad ng paglabag sa Bank Secrecy Law.

Paliwanag ni Aumentado na mahalagang respetuhin ang inter-parliamentary courtesy sa pagitan ng dalawang Kamara ng Kongreso.

Bukas, February 27, Lunes, ay nakatakdang isumite ng oposisyon ang isang resolusyon na nagsusulong sa Ethics Committee para siyasatin sina Banal at Umali

Si Umali ay nagsabi sa impeachment court na ibinigay sa kanya ng isang “small lady” ang mga dokumentong kanya namang ibinigay sa prosekusyon, samantalang si Banal naman ay nagsabi sa mga senador na nakuha niya ang hawak niyang bank records ni Corona sa kanyang garahe.

Ang nasabing bank records ang ginamit ng prosekusyon upang maipa-subpoena ang mga dokumento at opisyal ng PS Bank at Bank of Philippine Islands.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply