Imbestigasyon vs nag-leak na bank documents ni Corona aprub sa Malakanyang

WALANG problema sa Malakanyang kung iimbestigahan ng Senado ang pagkaka-leak ng bank records ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nasangkot ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa usapin kaya nararapat lamang na magpaliwanag ang mga ito.

Sa Lunes, Pebrero 27 ay sisimulan na ng Senate committee on banks na pinamumunuan ni Sen. Serge Osmeña ang imbestigasyon kung saan ipapatawag ang mga kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Sinabi ni Sec. Lacierda na hindi nila pipigilan si BSP Gov. Amando Tetangco sa pagdalo ng hearing para malinawan ang isyu.

Samantala, hindi naman masabi ng Malakanyang kung mawawala sa atensyon ng taumbayan ang impeachment trial sa oras na magsimula na ang hiwalay na Senate probe sa records leak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply