Immigration nakaalerto sa mga tumakas na Iraqi

NAKAALERTO ang Bureau of Immigration (BI) at iba pang law enforcement agency sa posibleng pagpasok sa Pilipinas ng siyam na Iraqi national na tumakas sa bilangguan sa Kurdish region habang naghihintay ng parusang kamatayan sa Iraq.

Sa ipinalabas na ‘orange notice’ ng International Police (Interpol) mula sa kanilang punong tanggapan sa Lyon, France, nanawagan ito sa  Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) na maging mapagmatyag sa posibilidad na gawing lunggaan ng death row convicts ang Pilipinas.

Ang ‘orange notice’ ay ipinalalabas ng Interpol upang balaan ang mga kasaping bansa sa posibilidad na pumasok sa kanilang bansa ang mga indibidwal na pinaniniwalaan ng Interpol na magdudulot ng banta sa pampublikong seguridad.

Kinilala ng Interpol ang mga nakatakas na sina  Iraqi nationals Abdul Aziz Yousif Said, Khalid Ahmded Abdul Aziz, Firhad Safer Abdullah, Ali Hussein Salih, Mahdi Salih I b r a h i m, F r a i d o n L a t i f Sharif, Dawood Sulaiman Ibrahim, Mohammed Ahmed Ali, at Ismat Sharif Redhwan.

Kabilang ang immigration sa 22 ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa PCTC na kumukupkop sa Interpol-Manila sa Camp Crame.

Ayon sa Interpol, kabilang ang siyam sa 11 kriminal na nakatakas sa Duhok prison center sa Kurdistan region noong Enero 7 habang naghihintay na mapatawan ng parusang kamatayan.

Gayunpaman, hindi nabanggit kung ano ang kasong kinakaharap ng mga nasabing kriminal.

Inilarawan ng Interpol ang mga pugante bilang mga indibidwal na delikado sa kaligtasan ng mamamayan at maging sa law enforcement officers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply